Hay Abby...
Crush kita. Heehee...
Mas crush pa kita kay sa kay Marvin o Axel o Nestor... Kay sa kay Jino o Bruce o Mika... Mas crush pa kita kay sa dun sa kaapelyido mo sa kabilang team, si Arwind, kahit di hamak na mas magaling siya sa yo.
Hay Abby...
Sayang nga lang natalo kayo nung nagkataong nanood ako nung Sabado. Pero ok lang, nice game! Sobrang exciting! Tsaka ang galing galing mo nun eh. Hehe... 15pts, astig. Pati nung first ever game niyo ngayong Season 68. Kala ko talo na kayo nun eh, pero huwaw! Ganda ng game na yun, naisip ko sana nanood nalang ako ng live.
Hay Abby...
Ang galing mo talaga! Galingan mo sa susunod na linggo ha! Eto na ang last chance para magkaron sila ng talo sa first round. Para rin matapos na ang loss streak niyo. Sana makapanood ako ng live. Maghahanap ako ng kasama...
Hay Abby...
Dahil sa yo at sa lahat ng teammates mo, masaya at proud akong maging Fighting Maroon.
Hay Abby...
Ang babaw noh? Hehe Pero crush kita!
matatapang. matatalino.
walang takot kahit na kanino.
Unibersidad ng Pilipinas.
*photos from http://www.uaapgames.com/images/072305a/index.htm by Ditoy Aguila
No comments:
Post a Comment