Last year, may kausap ako tungkol dito eh -- Planong Buhay.
"Anong Planong Buhay mo?"
"Ako, gusto kong
magtrabaho. Gusto kong mabili lahat ng gusto kong bilhin. Gusto kong
makapag-ipon. Gusto kong magsulat pag nakaipon na ko. Gusto kong
magkaron ng business. Parang masayang magtayo ng resto... Gusto ko
ganito, gusto ko ganyan... Gusto ko pang makapag-aral. Gusto kong
magkapamilya..."
Last year, yan ang planong buhay ko. Siyempre wala pa masyadong
details. Kasi kagagraduate ko lang nun. Nakakalungkot isipin na ngayon,
pareho pa rin ang Planong Buhay ko. Hindi nadagdagan ng detalye, kundi para pa rin silang mga pangarap na matagal-tagal ko pang maaabot. Pero hindi eh.
Isang taon ang dumaan, wala akong nagawa. Masyado akong naabala sa maliliit na detalye ng buhay ko na nakaligtaan ko ang Planong Buhay ko. Nakakalungkot na nasayang yung oras ko. Planong Buhay ko to. Buhay ko to. Dapat bigyan ko to ng pansin.
Siguro, wala man akong nagawa, may mga natutunan naman ako tungkol sa kinatatayuan ng buhay ko.
me_en_my_hunny: ikaw musta?
layla_1204: oki lang
layla_1204: eto
layla_1204: ewan ko miki.. ok lang. siguro yun lang. ok lang.
layla_1204: not great, not bad, but ok
me_en_my_hunny: sa tingin ko good thing na din un :)
me_en_my_hunny: ako din eh so-so lang din
layla_1204: hehe
layla_1204: ewan ko
layla_1204: mapapaisip ka talaga kung anong gusto mo sa buhay
layla_1204: yun lang
me_en_my_hunny: and you reached a conclusion?
layla_1204: not yet
layla_1204: just stuff i know for a fact
layla_1204: alam mo yun
layla_1204: na eto:
layla_1204: 1.) hindi ako talaga totally magiging happy sa work ko ngayon
layla_1204: 2.) na gusto kong magipon. tapos eventually magsusulat nalang ako
layla_1204: 3.) na nalulungkot ako na hindi na ko nakakapagsulat. na hindi man lang ako makahanap ng
panahon para magsulat
layla_1204: 4.) na gusto ko pang mag-aral. MBA. pero di ko pa entirely sure kung saan.
layla_1204: 5.) na eventually gusto ko mag-abroad. pero alam kong malulungkot ako
layla_1204: marami pang iba.
me_en_my_hunny: hmm..
layla_1204: pero planong buhay ko? di pa ganun ka defined. general path, oo. meron. mga gusto kong
gawin. pero hindi pa defined
layla_1204: nalulungkot lang ako na ganun
layla_1204: kasi 1 year na since graduation.
Siguro, OK lang to. Paunti-unti. Pero ang kailangan ko lang tandaan
ay wag masyadong maabala sa mga detalye ng buhay ko. Wag masyadong
intindihin ang trabaho, ang mga problema, ang kalungkutan, na
nakakalimutan ko na ang Planong Buhay ko. Sabi ko nga dati, Never lose sight of the big picture. Never, ever lose sight of your life's big picture. Dapat lagi nating isaisip yan -- ang mga Planong Buhay natin. Kasi kung hindi, hanggang plano nalang talaga sila.