Friday, March 31, 2006

More than Words


I cannot begin to explain how our friendship is. I can just give details of how it started and snips of moments we share together. I can just tell you how happy I am whenever I'm with them and how much they understand me. I can just write and post blog entries like this and hope they are appreciated.

I am very, very thankful for these 6 people. And I know it's cliche, but I can't imagine my life without them.

Mahal na mahal ko kayo, pips. Maraming salamat.

-------------------------------------


From: Isabel Casas
Date: Sun Apr 24, 2005 10:07 am
Subject: drama

thank you talaga pips!!! for believing in me when i didn't have the strength to believe in myself. for lifting me up from the worst of days. for laughing with me. for laughing at me. for listening to my weird stories. for seeming always interested in my lovelife when i know you're really sick of it (hehe). for giving me back my faith. for praying with me. for praying for me. for being angels in every way you can.

 


alam kong never na ko makakameet ng mga taong katulad niyo. never. and this time, i promise not to let go. promise talaga. :)
-------------------------------------

Thursday, March 30, 2006

Nung Nadapa si Chubbs



Eh kumusta naman yun? Sabi ni Bianca kagabi sa PBB...


Eh kumusta naman yun? Simulang simula ng araw mo madadapa ka pababa
ng FX? Eh kumusta naman kung nakaskirt ka pa? O wa-poise di ba?
Dugu-duguan na yung isang tuhod mo, nakitaan ka pa ata. Eh kumusta
naman yun?


Dapat iiyak ka na diba? Para ka kasing bata. Dapat maiinis ka,
panira ng araw. Nakapagtatakang natuwa ka pa, pinagtawanan mo pa ang
sarili mo. Eh kumusta naman yun?


Bakeeet?


1.) Des - Ang babaeng tumulong at nagbigay ng
tissue sa kin. Pagpalain nawa siya ng Diyos. Inantay niya pa kong
makababa ng FX, parang alam niyang madadapa ako.


2.) Manong guard, Rushell, at marami pang manongs - Mga nag-alaga sa kin. Nagdala ng betadine and benda para sa nagdudugo kong tuhod.


3.) Krizel - Ang officemate na nadapa at nagkasugat
tatlong linggo na ang nakararaan sa Singapore. Kung hindi ako natawa sa
pagkadapa niya, hindi ako nakarma.


4.) Nay Chris - Akala mo ikaw lang!!! Hindi ka nag-iisa!!!


5.) Lord - Ang nagpaalala sa king tao pa din ako, hindi robot. Thank you, Lord! Thank you na buhay na buhay pa ko.


Eh kumusta naman ang storya ng pagkadapa ni Chubbs?


Sunday, March 19, 2006

Kuala Lumpur, Malaysia




Kuala Lumpur, Malaysia
March 18-19, 2006
Krizel, Amet, Rolan, Jena, Tanya, Steph, Sarah, Sol, Alice, Ryan, Chubbs!

Monday, March 13, 2006

Singapore, March 2006




Gillette ANZ System Integrated Testing
Singapore, Singapore
March 5, 2006 - March 25. 2006

Friday, March 3, 2006

Ipaglalaban ko ang Ating Pag-ibiiiig


Kailangan bang ipaglaban lahat?



Pano pag di pinaglaban ni Manuel si Marian? Eh di ba hindi na nga niya pinaglaban nung simula pero sila pa rin yung nagkatuluyan?



Pano pag wala si Lance? Eh di hindi rin naging sila. Kailangan ba ng
trigger -- ng selos -- para marealize na kailangan mong ipaglaban yung
pagmamahal mo sa tao? Hmf, kawawa naman yung third party involved.



Pano pag alam mo, as in 1000% sure ka na walang gusto sa yo yung tao?
Ipaglalaban mo pa ba ang pag-ibig mong walang kwenta sa kanya?



Dadating yung punto na bigay ka na lang ng bigay nang walang
natatanggap. Dadating yung punto na mapapagod ka na sa pagkakamartir.
Dadating yung punto na maiiyak ka na lang kasi hindi nangyari ang gusto
mong mangyari. At sa puntong yun, sisisihin mo ang sarili mo kasi ikaw yung naging tanga sa pagmahal sa taong hindi ka naman mahal. Kasalanan mo kasi tanga ka. Hindi kailanman niya magiging kasalanan ang hindi niya pagmahal sa yo. Ikaw parati ang may kasalanan. Ikaw ang naging tanga.



From experience? Hahahahaha... Hindi ba tayong lahat nagmahal na ng ganito? Hindi ba tayong lahat naging tanga na?



Kaya, oo, para sa tanga, kailangang ipaglaban lahat.