Tuwing naiisip ko ang Unibersidad, naalala ko ang mga puno ng akasya, ang kagandahan ng mga bulwagan, ang mga kapwa estudyante, ang magagaling na mga propesor, at ikaw.
Ikaw na tahimik na nakatingala sa langit. Ikaw na animo’y niyayakap ang bukas. Ikaw na buong buong nag-aalay ng sarili.
Isa kang inspirasyon. Kapag nakikita kita, naiisip ko lahat ng potensyal sa buhay. Napapatingala ako sa langit nang nakangiti. Nagiging handa akong harapin ang bukas. Nararamdaman ko ang kanaisang mag-alay ng sarili. Ang kanaisang mag-alay para sa Maykapal, para sa pamilya, at para sa bayan.
Lahat ng ito dahil sa paghinungod mo.
(100 salita para sa 100 taon)
© Isabel M. Casas 20090122