Adik na ata kami sa Friday night dinners... Sabagay, eto na ang
nakagawian kahit nung college pa. Pero ngayon, sa Powerbooks na ang
kitaan. Hindi na sa lab o sa Eng'g, sa Megamall na... That's so
grown-up...? Nah, it's just so different. Imbis na sa ilalim ng
malalaking puno ng UP ang UBE, ito'y nagaganap sa isang mall sa may
EDSA kung saan namamayagpag ang polusyon.
Matapos kumain sa El Pollo Loco (Oha, Spanish yun ah!), tumuloy kami sa Seattle's Best
(Oha, English yun ah!) upang magkape. Lagi nalang nagkakape ang lahat
ng tao. Siguro kaya ganito kami. Parang mga kiti-kiti. Nasobrahan sa
caffeine. Pano pa kaya kung nagkakape pala yung nanay ko nung
pinagbubuntis niya ko? Eh di aatakihin na ko tuwing kinikilig ako.
Kawawang bata.
Nagkape din kami ni Ate Mitzi kanina lang. Si doktora'y napakasipag mag-aral. Ako nama'y nagbasa lamang ng The Celestine Prophecy.
Nung inantok ako, inayos ko ang Starbucks journal/scrapbook ko.
Nagsulat din ako ng kaunti. Malamang pagkatapos ng limang taon,
pagtatawanan ko din yung sinulat ko. Iisipin kong ang tanga-tanga ko.
Ginawan pa ng drama ang "Sorry ha, parang wala na akong pakialam eh..."
Pero para sa ngayon, tulad ng sinasabi sa litrato,
frappe + cinnamon swirl + Starbucks planner + The Celestine Prophecy =
Saturday night Starbucks Coffee with Ate Mitzi.