
Kung payabangan ng Lolo ang laban, ito ang ipapakita ko:
Wikipedia. Lagi kong ipagmamayabang na, "Lolo ko yan!"


Si Lolo Cleto ay pampito sa sampung magkakapatid galing sa Caba, La Union. Dahil hindi ganon kayaman ang pamilya, nagtatrabaho siya tuwing gabi noong nag-aaral pa siya. Pero dala ng katalinuhan, kasipagan, at lakas ng loob, nagawa niyang maging isang magaling na abogado. Pinakasalan niya si Paz noong Pebrero 1945 at nagkapitong anak. Dahil sa kanya at sa mga paghihirap niya, nandito kaming lahat ngayon -- isang buong angkan ng mga Mangaser. At dahil dito, at hindi lang sa Wikipedia, ipinagmamayabang ko na, "Lolo ko yan!"
Lampas isang buwan na ang ika-27 ng Hunyo, ngunit gusto pa rin kitang batiin na:
Maligayang ika-siyamnapung kaarawan, Lolo Cleto! :) At hindi man ako marunong mag-Ilokano,
Ayayaten ka! :) Mahal na mahal kita! :)
cheers anak......
ReplyDeleteAko, Ilokano. Pure bred. :-) Ayayaten ka met, anakko. Nasyaat met nga ammom iti Apong mo nga nalaeng. :p
ReplyDeleteohemgeee! itatanong ko sa nanay ko ibig sabihin niyan!
ReplyDeletewow! marami din akong "lolo stories". ganda ng post!!! ilocano din ako at naintindihan ko ung nakasulat sa taas. hehe. ;p
ReplyDeletegrabe! ako nalang hindi nakakaintindi!
ReplyDeletewow ang saya naman may wikipedia ang lolo mo! =)
ReplyDeletehihihi oo nga! pangarap ko rin mahanap sa wikipedia ang pangalan ko one day. :) someday soon! :D
ReplyDelete