Thursday, May 8, 2008

Maligayang Pagtatapos, Kristina!


Para sa aking kapatid na si Kris,

Maligayang Pagtatapos! : )
Wuhooo wala ka nang allowance! Lagot. Lagot ako. :P

Binabati kita sa lahat ng
Natutunan, natulungan,
Nakaaway at nakaibigan
Sa lahat ng inalagaan,
Sa lahat ng pinaghirapan

Sa mga magdamagang duty
...At gimmick ; )
Sa mga nainom na kape

...At naubos na highlighter

Binabati kita dahil nagbunga din ang

Mga gabing nakabukas ang ilaw sa kwarto
Habang ikaw ay nag-aaral
At ako'y pilit na natutulog

Ipinagmamalaki kita namin, Kristina! : )
Maligayang pagtatapos! : )
At alam kong kayang kaya mo ang pagsusulit na parating : )


*Hinding hindi ko malilimutan nung sinabi mong malakas ako huminga habang nag-aaral ka. ; )


6 comments: