Saturday, December 23, 2006

Maligayang Pasko!



Tulad ng marami, hindi ko malaman kung bakit hindi ko masyadong maramdaman ang diwa ng Pasko ngayong taon. Dahil ba hindi kasing lamig ang panahon? Dahil ba hindi ako kumanta sa Awitan o hindi man lang ako nakapanuod ng Latern Parade? Dahil ba kakaunti ang dekorasyon at ilaw sa Ortigas?


Marami naman akong nakitang iba't ibang puno sa Singapore. Marami naman akong natanggap na regalo mula sa mga kaibigan at kamag-anak. May hamon naman na nakahanda halos araw-araw dito sa bahay. Pero bakit 24 na at hindi pa rin Pasko?



Siguro nagbabago ang pananaw ng tao sa Pasko habang tumatanda. Para sa kin, pinakamasaya pa din ang Pasko nung bata ako. At kung ikukumpara dito, napakasimple ng mga pagdiriwang ngayon. Kung ikukumpara, mas nawawala ang pananabik sa araw ng Pasko.


Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi malungkot ang Pasko. Dahil alam ko mamayang gabi, sama-sama ang pamilya ko sa pagdiwang nito. Dahil alam kong kahit nakapambahay lang at simple lang ang handa, hindi namin inaasam ang pagdiriwang na higit pa dito. Dahil alam kong mas maswerte pa rin kami kay sa marami sa atin. At dahil sa kahit anong paraan ng pagdiriwang, alam kong sapat na ang pagdiriwang ng ating mga puso sa pagdating ni Kristo sa mundo.


Maligayang Pasko sa inyo at sa mga mahal niyo sa buhay!

3 comments:

  1. Ilagay mo na rin sa listahan mo ng rason kung bakit hindi sing saya ng Pasko noon ang Pasko ngayon ang pagbili ng regalo para sa lahat ng kilala mo (at ang mabilis na paglaho ng 13th month pay mo dahil dito :D)

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
  2. chubbs....

    hangad ko'y makasama kayong lahat sa pasko.....hangad ko'y maramdaman ang init ng iyong yakap....hangad ko'y makita ang iyong mga ngiti habang inyong binubuksan ang inyong mga regalo......hangad ko ngayong pasko ay makisalo sa inyo sa noche buena....ngunit ako'y malayo......pero ang aking isipan at puso ay kayo ang laman ngayong pasko at araw araw.....mahal na mahal ko kayong lahat.....maligayang pasko.....at tumitindi ang aking pananabik na kayo'y makita sa pebrero.....

    ate myra

    ReplyDelete
  3. Maligayang Pasko! :) See ya in Feb, Ate Mai! Sean is super excited to see you :)

    ReplyDelete