Wednesday, May 24, 2006

Planong Buhay



Last year, may kausap ako tungkol dito eh -- Planong Buhay.


"Anong Planong Buhay mo?"
"Ako, gusto kong
magtrabaho. Gusto kong mabili lahat ng gusto kong bilhin. Gusto kong
makapag-ipon. Gusto kong magsulat pag nakaipon na ko. Gusto kong
magkaron ng business. Parang masayang magtayo ng resto... Gusto ko
ganito, gusto ko ganyan... Gusto ko pang makapag-aral. Gusto kong
magkapamilya..."


Last year, yan ang planong buhay ko. Siyempre wala pa masyadong
details. Kasi kagagraduate ko lang nun. Nakakalungkot isipin na ngayon,
pareho pa rin ang Planong Buhay ko. Hindi nadagdagan ng detalye, kundi para pa rin silang mga pangarap na matagal-tagal ko pang maaabot. Pero hindi eh.


Isang taon ang dumaan, wala akong nagawa. Masyado akong naabala sa maliliit na detalye ng buhay ko na nakaligtaan ko ang Planong Buhay ko. Nakakalungkot na nasayang yung oras ko. Planong Buhay ko to. Buhay ko to. Dapat bigyan ko to ng pansin.


Siguro, wala man akong nagawa, may mga natutunan naman ako tungkol sa kinatatayuan ng buhay ko.


me_en_my_hunny: ikaw musta?
layla_1204: oki lang
layla_1204: eto
layla_1204: ewan ko miki.. ok lang. siguro yun lang. ok lang.
layla_1204: not great, not bad, but ok
me_en_my_hunny: sa tingin ko good thing na din un :)
me_en_my_hunny: ako din eh so-so lang din
layla_1204: hehe
layla_1204: ewan ko
layla_1204: mapapaisip ka talaga kung anong gusto mo sa buhay
layla_1204: yun lang
me_en_my_hunny: and you reached a conclusion?
layla_1204: not yet
layla_1204: just stuff i know for a fact
layla_1204: alam mo yun
layla_1204: na eto:
layla_1204: 1.) hindi ako talaga totally magiging happy sa work ko ngayon
layla_1204: 2.) na gusto kong magipon. tapos eventually magsusulat nalang ako
layla_1204: 3.) na nalulungkot ako na hindi na ko nakakapagsulat. na hindi man lang ako makahanap ng
panahon para magsulat
layla_1204: 4.) na gusto ko pang mag-aral. MBA. pero di ko pa entirely sure kung saan.
layla_1204: 5.) na eventually gusto ko mag-abroad. pero alam kong malulungkot ako
layla_1204: marami pang iba.
me_en_my_hunny: hmm..
layla_1204: pero planong buhay ko? di pa ganun ka defined. general path, oo. meron. mga gusto kong
gawin. pero hindi pa defined
layla_1204: nalulungkot lang ako na ganun
layla_1204: kasi 1 year na since graduation.


Siguro, OK lang to. Paunti-unti. Pero ang kailangan ko lang tandaan
ay wag masyadong maabala sa mga detalye ng buhay ko. Wag masyadong
intindihin ang trabaho, ang mga problema, ang kalungkutan, na
nakakalimutan ko na ang Planong Buhay ko. Sabi ko nga dati, Never lose sight of the big picture. Never, ever lose sight of your life's big picture. Dapat lagi nating isaisip yan -- ang mga Planong Buhay natin. Kasi kung hindi, hanggang plano nalang talaga sila.


6 comments:

  1. awww. i've been having the same thoughts lalo na nung nagattend ako ng grad sa uplb last month. narealize ko din grabe isang taon na ba yun eh wala pang nangyayari sa buhay ko? i read an article about quarter-life crisis... na karamihan tlaga satin (meaning kasing age natin) ang nakakaexperience ng ganitong stage.

    but you're right, we just have to "Never, ever lose sight of your life's big picture."
    good luck.
    cheers! :)

    ReplyDelete
  2. hay onga. iba kasi pag sa school. more or less they feed you with the "big picture." they give you subjects to take next sem and those after that.

    pero now, we have more freedom. we can do ANYTHING we want! siguro overwhelming. pero it's hard to really choose and do what you want to do.

    ReplyDelete
  3. hehehe... its time we start choosing our own paths to take. some may be not what you expect or want it to be, others may not believe in the decisions that you make, still others may make you hesitate and oftentimes stain that big picture. i guess, life is not as easy to fix as having a picture "cured" via photoshop but i guess those are the stains that will make us proud when we get to the three fourth life crisis...

    don't let work dictate your life. its yours kasi.

    -> mike (http://infobuilder.blogspot.com)

    ReplyDelete
  4. ditto! :) there are more important things in my life than work. [hay aylabyu hp]

    ReplyDelete
  5. ako di ko lab...hahahaha. joke lang po :D

    if it's any consolation, it's been 5 years since i graduated and i'm still lost as ever. sure lang ako gusto ko yumaman. para magawa ko lahat ng gusto ko. kaso baka by the time na mayaman na ko, i'm too old to do the things i want to do...like to skydive, go the moon...stuff na magagawa mo lang if you have money. so babalik na naman tayo sa simula....hala cycle? hehehe

    mishu pare. see you soon in singapoh-lah.

    ReplyDelete
  6. mishyou too lola ;) i'll be there in 2 weeks, see you!

    oo nga sabi nga nila may 3 stages sa buhay ng tao:
    - when you're young and have all the time to do anything, but don't have money
    - when you're young and have money to do anything, but you don't have the time
    - when you have all the money and the time to do anything, but you can't because you're too old

    goodluck sa buhay buhay natin. wag tayo mag-settle sa pangarap na, "gusto kong yumaman." o "gusto kong gawin yung mga gusto kong gawin..." :)

    ReplyDelete