Friday, March 3, 2006

Ipaglalaban ko ang Ating Pag-ibiiiig


Kailangan bang ipaglaban lahat?



Pano pag di pinaglaban ni Manuel si Marian? Eh di ba hindi na nga niya pinaglaban nung simula pero sila pa rin yung nagkatuluyan?



Pano pag wala si Lance? Eh di hindi rin naging sila. Kailangan ba ng
trigger -- ng selos -- para marealize na kailangan mong ipaglaban yung
pagmamahal mo sa tao? Hmf, kawawa naman yung third party involved.



Pano pag alam mo, as in 1000% sure ka na walang gusto sa yo yung tao?
Ipaglalaban mo pa ba ang pag-ibig mong walang kwenta sa kanya?



Dadating yung punto na bigay ka na lang ng bigay nang walang
natatanggap. Dadating yung punto na mapapagod ka na sa pagkakamartir.
Dadating yung punto na maiiyak ka na lang kasi hindi nangyari ang gusto
mong mangyari. At sa puntong yun, sisisihin mo ang sarili mo kasi ikaw yung naging tanga sa pagmahal sa taong hindi ka naman mahal. Kasalanan mo kasi tanga ka. Hindi kailanman niya magiging kasalanan ang hindi niya pagmahal sa yo. Ikaw parati ang may kasalanan. Ikaw ang naging tanga.



From experience? Hahahahaha... Hindi ba tayong lahat nagmahal na ng ganito? Hindi ba tayong lahat naging tanga na?



Kaya, oo, para sa tanga, kailangang ipaglaban lahat.




5 comments:

  1. peram ako nito ha? :) actually, ginamit ko na syang status msg..

    ReplyDelete
  2. grabe ang bigat ah. uy, anong experience to? kwento!

    ReplyDelete
  3. naku quel. hahahaha. tatawa nalang ako. hahahahaha!

    ReplyDelete
  4. arte arte andaming sinasabi... sabihin mo na kaya kay...

    MWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!

    yours truly, bulutong babe

    ReplyDelete
  5. Hahaha! Pero this isn't about me!!! Para kay Manuel at Marian to ;)

    ReplyDelete